Commons:Wiki Loves Folklore 2022 in the Philippines/nl
Ang Wiki Loves Folklore ay isang pangdaigdigang kumpetisyon sa potograpiya upang ipagdiwang ang pagkakaiba-iba ng kultura sa buong mundo sa pamamagitan ng Wikimedia at mga proyekto nito (tulad ng Wikipedia at Wikimedia Commons). Sino man ay maaaring lumahok.
Upang maunawaan ang mga panuntunan para sa pandaigdigang kumpetisyon, bisitahin ang opisyal na website ng Wiki Loves Folklore 2022.
Isa ang Pilipinas sa mga bansa na kinikilala bilang may mahuhusay na kalahok sa kumpetisyon sa nakaraang mga taon. Ngayong taon, inaanyayahan namin kayong halughugin ang inyong mga laptop at SD cards upang humanap ng mga larawang nagpapakita ng mayamang kulturang sinauna at i-upload ang mga ito upang manalo!
Ang pangunahing layunin ng kumpetisyon ay malikom ang mga larawan ng pagkakaiba-iba ng kultura upang mailarawan ang mga artikulo sa pinakamalaking malayang ensiklopedya sa mundo, at iba pang mga proyekto ng Wikimedia Foundation. Ang mga larawan na inyong ilalahok ay kailangang naaayon sa tema, subalit hindi limitado sa mga festival, kulturang materyal, mga sayaw, pagkain, pananamit o pang-araw-araw na gawain na binibigyang diin ang kultura ng mga pangkat-etniko sa Pilipinas.
Pandaigdigang Kumpetisyon sa Potograpiya
Mga batayan
Ang pandaigdigang hurado ay titingnan an bawat kalahok na larawan ayo sa mga sumusunod:
- Teknidad na kalidad
- Orihinalidad
- Potensyal ng gamit nito at pangkalahatang halaga ng larawan sa Wikipedia at iba pang proyekto ng Wikimedia
Mga Premyo
Prizes to be dispersed in a gift card or voucher format
- 1st prize: $400 USD
- 2nd prize: $200 USD
- 3rd prize: $100 USD
- Top 10 consolation prizes: $10 USD each
- Best Video prize and best Audio prize: $25 USD, $25 USD (each)
- Top uploader prize for images: First Prize $100 USD, Second prize $50 USD
- Wiki Loves Folklore Postcards to top 100 Uploaders
- Certificates and postcards to Local Organizers
-
Kadayawan Festival ni Fpj455 (CC BY-SA 4.0)
-
Malong dance ni Fpj455 (CC BY-SA 4.0)
-
Lagaylay in Camarines Sur ni Filipinayzd (CC BY-SA 4.0)
-
Dragon's breath ni EMMAN A. FORONDA (CC BY-SA 4.0)
Paligsahan sa Pagsulat ng Artikulo
Sa Pilipinas, magkakaroon ng paligsahan sa pagsulat ng artikulo sa anumang wika at ito ay inoorganisa ng PhilWiki Community.
Simula Pebrero 1 hanggang Marso 31, 2022 ay maaaring sumulat o payabungin ang isang artikulo na may kinalaman sa isang pangkat etniko sa Pilipinas gamit ang isa o higit pang larawan na kalahok sa kasalukuyan at/o nakaraang Wiki Loves Folklore.
Ipaalam ang inyo ginagawang artikulo sa pamamagitan ng paglalagay ng #WLFPH2022 sa edit summary.
Tatlong (3) mapipiling kalahok ang mananalo ng:
- sertipiko ng pagkilala
- tshirt
- lapis na Wikipedia